Friday, February 29, 2008
pudding(tinapay).. namataang may sipon, nana at pawis?!
ang pudding ay napakasarap na tinapay.. malinamnam ito hindi tulad ng putok(star bread in english) na walang lasa.. ngunit kakainin mo pa ba ang pudding na malasa kung iyo itong mamamataan na may sipon, nana at pawis ng nagmamadulas na panadero?
isang gabi sa fx ni pastor dave ay nakaupo ako sa harap sa tabi nya at pauwi na galing sa school(central bible seminary).. ay naririnig ko ang aking mga kamagaral sa likod na naguusap nanaman tungkol sa pagkain.. at umabot nga ito sa usapang pudding.
"wala yan sa pudding samen! yung pudding sa amin, masarap!"wika ni ate chanda.. at ang biglang sabat ni ate denden.."yuck! ayoko ng kumain ng puddin! may sipon kaya yun.. chaka pawis pa!".... .............. ........ . ... "ha?" at yun nalang ang nasabi ko..
dahil daw yun sa kakilala nyang panadero na pawisin.. nakilala nya yung panadero nung nagtrabaho din xa sa bakery.. yung kilala daw nyang baker ay madalas daw ay may sipon.. at isang araw, kinagat ng aso angf kanyang kamay at ito ay nagkanana nga.. ngunit dahil sa hirap ng buhay, nagtrabaho pa din ang baker na nagnanana na ang kanyang kamay..naghahalo pa din xa ng harina sa pamamagitan ng nagnananang kamay. naipapagpag pa din nya ang buo ng harina sa kanyang pawising likod at nakakasinga pa din at hahawakan ang harinang hinahalo..
normal pa din.
ayun.. dun pa din sa baboy na baker.. gumaling din naman daw ang pagnanana ng kamay nya kahapon.. since 1989..
pero ang sabi nga ni pastor dave, wala naman nga daw relasyon yung pagiging madumi nung pudding
nung bastos na baker sa lahat ng klase ng pudding.. maliban nalang daw kung yung baboy na baker ang nagbe-bake ng pudding sa buong mundo...
ayun lang/..
pero ako..
ok na sa akin yung putok..(sana hindi gumagawa ng putok yung baboy na baker)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
sa totoo lang... hindi ako mahilig kumain ng pudding. kase di ko alam yung itsura nun... yun ba yung tinapay na parang hinati sa gitna na parang may medjo trnsparent na palaman sa gitna...? sabi kase ni papa yung ganun daw, mga lumang tinapay na nakay kinagawang palaman sa ibang tinapay na bago... yun lang... suporta..!!
Post a Comment