Wednesday, February 13, 2008

ngiti :)


ang pag ngiti ay pagpapalit ng emosyon sa pamamagitan ng biglang pagkinang o pag pungay ng mata kasabay ng unti unting pag taas ng magkabilang dulo ng ating labi..

ako ay naka-ngiti sa tuwing ako ay masaya
at walang iniisip na problema.. ako ay naka-ngiti
sa mga positibong pagkakataon.. positibong pagkakataon na bunga ng kagalakan.

gaya ng:

*ngumiti ako dahil sa birong narinig..
*ngumiti ako dahil sa nakakikilig na eksena sa aking buhay..
*ngumiti ako kasi may taong biglang ngumiti nang mag-isa..
*ngumiti ako kasi nagpa-cute ako sa matagal ko ng crush na
alam kong may crush din sa akin..(feeling mode)
*ngumiti ako kasi napigilan ko nanaman ang aking pag utot sa isa pang pagkakataon..

ang bottom line ay ngumingiti nga ako kasi ako ay masaya!

ang iniisip ko lang eh yung babae..
yung babae na ngumiti nang sinabi ko ang nararamdaman kong kasiyahan
at lumalagong pag-ibig ko sa kanya sa tuwing kasama ko siya..

ngumiti ba siya dahil masaya rin siya?
o marahil kaya siya ngumiti ay dahil sa ayaw nya akong masaktan..

:(
doon ay natutunan ko na ang pag ngiti ay hindi lang reaksyon ng mga masasayang tao..


ito ay isa ring "maskara.."

No comments: