Monday, February 18, 2008
"yun ba ang sagot?" -nagiisip na jeli
nag-iisip ako ng mga bagong tema para sa bagong kanta na pwedeng tugtugin ng "sebentdisaypol"...
bakit kaya hindi ako pwedeng gumawa ng mga kanta tungkol sa rebolusyon gaya ng mga kanta ng mga ordinary reggae singers and rastafarians?
e reggae din naman kami ha..(minsan.. may parte).. ... ano nga ba ang rebolusyon?
ang "rebolusyon" ay radikal na pagpapalit sa isang gobyerno sa pamamagitan ng rebelyon..
ang rebelyon naman ay nabubuo sa pamamagitan ng galit at poot..
bali ang rebolusyon ay naikakasatuparan sa pamamagitan matagumpay na rebelyon na galing sa galit at poot na nagreresulta naman sa pagpapalit ng gobyerno o ng isang sosyal na istraktura..
dahil naman sa galit na yun, pwedeng mapunta sa dahas na ikakapahamak ng madaming tao.. ma pa bayani ka pa o usisero lang.. malamang ay madadamay, may pakialam at pananagutan ka..
gaya nalang ng ngyayari ngayon sa mahal nating bansa. marami na akong nakikitang rakista(emo din xa) na nakasuot ng black na t-shirt na may nakalagay na "revolution is the my final answer!" ha? ano daw? anong alam kaya netong mga rakers na toh bat may suot na ganun? ungrammatical pa yung english nya.. hindi lang yan.. dibat marami na din ang humahayo at sumasama sa mga parada ng karatula na may nakasaad na "oust gloria" diba? ito ang mga panimula at nag babadyang rebolusyon..
bababa ang pilit na inaahong ekonomiya, tataas ang pamasahe, hindi makakapag pacheck-up yung buntis kasi sobrang nagmahal ang pamasahe, mamamatay yung buntis kasama yung bata at malulungkot ang tatay at mamamatay din..(nonsense nanaman)
isa lang yan sa tinatawag nating domino effect na pwedeng mangyari..
pero naisip ko lang e noh.. tama ba itong nangyayari? tama bang magkaroon ng malawakang rebolusyon?
siguro ang pinaka tamang sagot nalang para sa akin, e yung bat hindi tayo magdasal at manood ng balita at wag kumilos ng walang nalalaman.. (gaya ng emo.. anong alam nun? umiyak, uminom ng metal polish? yun lang alam nun..)
bali ang kongklusyon ko lang sa napahaba kong pagiisip..
bat hindi muna tayo mag isip? bat hindi muna tayo magbulay kung ano ang dapat na sagot..
ika nga ni diego kolens- "sa isang maling sagot, marami ang pwedeng mapahamak" (sino yun? nonsense ulet)
anong koneksyon ng kanta sa rebolusyon?
...
pareho silang dapat pag-isipan mabuti.. (kaya nauso ang emo kasi maraming hindi nagisip.. guto mo yun?)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ayos! kinokomentan ko ang pinakamagandang blog sa buong mundo.. ako si gelo.. ako ang may ari neto.. kinokomentan ko ang sarili ko.. hahaha..
Post a Comment